Inihayag ng National Capital Region Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magiging P6,500 na ang dating P6,000 na minimum wage ng mga kasambahay sa National Capital Region.
Ayon sa ahensya, makararamdam din ng taas-sahod ang mga kasambahay sa rehiyon ng CARAGA matapos mag-isyu ng Wage Order No. RXIII-18 ang RTWPB ng naturang rehiyon na gagawing 370 pesos kada araw ang pasahod.
Sa Mayo 2024 naman ang nakatakdang second tranche kung saan magtataas muli ng kinse pesos ang sahod ng mga kasambahay sa CARAGA.
Sinabi ng Department of Labor and Employment na magsisimula na sa Enero ng panibagong taon ang naturang pagtaas at makikinabang ang 256,476 na domestic workers sa pagtaas ng minimum wage kung saan 146,202 sa mga ito ay nasa live-in arrangement.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga ito ay minimum salary lamang at pwedeng dagdagan ng mga employer lalo na kung makita nila itong magaling at may malasakit.