Nagbabala si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ng “problema” sa kapitbahay na Finland dahil sa pagsanib nito sa North Atlantic Treaty Organization.
Pinahayag ni Putin na magtatatag ng bagong distritong militar ang Moscow sa hilagang-kanlurang Rusya bilang sagot sa ginawa ng Helsinki, ayon sa panayam sa kanya na inilathala kahapon.
May 1,340 kilometrong hangganan ang Finland at Rusya. Nagpaysang maging kasapi ng NATO ang Finland dahil sa pagsakop ng Rusya sa silangang Ukraine at Crimea.
Ayon kay Putin, magtatalaga siya ng mga hukbo sa itatatag na Leningrad Military District.
“Sinama ng West and Finland sa NATO. May alitan ba kami sa kanila? Lahat ng pagtatalo, kasama sa teritoryo noong ika-20 siglo ay matagal nang naayos,” sabi ni Putin sa isang reporter.
Ang mga pahayag ni Putin ay kasunod ng pagsasara ng Finland sa hangganan nito sa katabing Rusya dahil umano sa pagpapapasok ng huli ng mga migrante sa bansa.
Sinabi rin ni Putin na walang dahilan ang Rusya na makipagdigmaan sa mga bansang NATO, taliwas sa pahayag ng pangulo ng Estados Unidos, si Joe Biden, na hindi hihinto ang Moscow matapos sakupin ang bahagi ng Ukraine.
Walang interes ang Rusya na makipag-away sa mga bansang NATO, aniya.
Nanumbalik ang pag-aalala ng mga bansang nasa silangang bahagi ng NATO dahil sa kampanyang militar ng Rusya sa Ukraine.