Isang lalaki ang binaril ng mga rumerespondeng mga pulis matapos mag-amok at manaksak ng isang pulis sa Banate, Iloilo.
Ayon sa mga ulat, sinabi ng kapulisan na sinita nila at pinauwi ang lalaki dahil may dala itong kutsilyo at lumayo saglit, pero naging agresibo ito pagbalik at hinabol ang mga pulis.
Maya-maya pa, isa sa mga pulis ang nadapa at nasaksak sa likod ng humahabol na lalaki, kaya nagdesisyon ang iba pang pulis na barilin ng lalaki sa pagiging bayolente umano nito.
Samantala, kinuwestiyon ng mga kaanak kung bakit kailangang patayin agad ang lalaki dahil ayon sa kanila, 10 taon na ring may problema sa pag-iisip ang lalaki.
Hindi pa nagdedesisyon ang pamilya kung maghahabla sila, habang handa namang humarap ang mga pulis. Isang sibilyan din ang tinamaan ng ligaw na bala.