Nagbabala ang Bureau of Customs nitong Linggo kaugnay sa mga kumakalat ngayong mga “parcel scam” habang nalalapit na ang Kapaskuhan.
Ayon sa ahensiya, hindi dapat agad maniwala ang publiko sa tawag, mensahe o email na nagsasabing mayroon silang package o parcel na nakabinbin sa BoC dahil may scammer umano na nagpapanggap na tauhan ng BoC o foreigner at maniningil sa pamamagitan ng personal bank account o money remittance para mailabas ang kunyari’y na-hold na padala.
Nilinaw rin ng ahensya na ang pagbabayad ng customs duties at taxes ay maaari lamang gawin sa kanilang cashier o sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks at para umano makasiguro, ipinayo ng BoC na maaring mag-check muna sa website ng Department of Trade and Industry kung ang nasabing courier o forwarder ay accredited.
Maaari rin umanong makipag-ugnayan sa BoC para tiyakin kung ang resibo, tracking number at iba pang dokumento na natanggap ay totoo.