Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangan ng pagtitiwala upang makamit ang makamit ang peace and stability sa rehiyon, partikular sa gawa hindi sa salita.
Sa kanyang intervention sa 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit, sinabi ng Pangulo ang naturang pahayag sa kabila ng mga naiulat na paglabag sa international laws sa geopolitical environment sa Asya.
Ayon pa kay Marcos, ang intercontinental ballistic missile tests na ginawa ng Democratic People’s Republic of Korea at ang unilateral actions sa East and South China Sea ay nagbabanta sa peace and stability ng rehiyon.
“We cannot overemphasize that trust is the basis of peace, a trust based on deeds and not merely words, especially in a geopolitical environment increasingly characterized by disruptions, by violation to the international rule of law, as we face common yet complex challenges together,” sabi ng Pangulo.
Dagdag pa niya, mahalaga na matugunan ang karahasan at ang kalagayan ng mga tao sa Myanmar.
“While the seat beside us remains empty, Myanmar remains a member of ASEAN and, as a family, we should be ready to help in alleviating the situation through the Five Point Consensus, the United Nations mechanisms, as well as the [ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management or] AHA Center,” saad ni Marcos.
Nanawagan rin ang Pangulo sa mga ASEAN member countries na ipagpatuloy ang partnership para sa kapaligiran habang tinutugunan ang mga banta sa kapayapaan.
Malugod ding tinatanggap ng Pilipinas ang inisyatibo ng Japan na magagawa ng Asia Zero Emission Community Summit sa Lunes.