Nanaig si Rimar “The Terminator” Metuda laban kay Alvin “Time Bomb” Lagumbay upang makoronahang kampeon sa super-lightweight division ng Manny Pacquiao Presents: Blow-By-Blow nitong Biyernes sa Oval Plaza, General Santos City.
Ang laban ay bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Kamao ng kanyang ika-45 kaarawan kahapon. Mismong ang kampeon sa walong dibisyon ng boksing ay nanood sa laban ng 29 anyos na si Metuda ng Camiguin at 22 anyos na si Rimar ng Bukidnon. Parehong kaliwete ang dalawang boksingero.
Ang programang Blow-By-Blow ay nasa ikalawang taon na mula nang ito’y buhayin ni Pacquiao ka-partner ang San Miguel Pale Pilsen at Cignal ONE Sports para sa pagsusulong sa sports at pagdiskubre ng mga bagong boksingero na magpapasikat sa bansa.