Sinabi ni Kyline Alcantara na ang paparating na Christmas niya ay kulay puti at pula.
“White, because I just want peace po, kapayapaan sa buhay. Red, kasi hindi po ako magpapaapak. Ako po ay lalaban pero hindi po sa isang maling paraan,” sey ng Kapuso aktres.
Hindi naman masabi kung ang mga katagang ito ay pasaring niya sa ina ng kanyang dating ka-love team na si Mavy Legaspi.
Huling cryptic post ni Carmina Villaroel nitong nakaraang buwan ang sumusunod:
“Dear Mavy and Cassy, People can destroy your image, damage your personality, [and] create rumors about you, but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who love you best.” Ang post ay may imahe na may nakasaad na “Mom knows best.”
Sa hiwalay na panayam kay Kyline nitong linggo, sinabi rin ng 21 anyos na bagong Kyline ang makikita ng madla sa susundo na taon.
“The La Nueva Kontrabida will be back, braver, fiercer, stronger. Kyline Alcantara 2.0,” aniya.
Inani ng aktres ang bansag sa pagsikat niya bilang kontrabida sa teleseryeng “Kambal Karibal” noong 2017.
Samantala, “mapagpasalamat” ang paglalarawan ni Kyline sa kanyang nararamdaman sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay.
Sa Instagram post ng aktres nitong Sabado, nagbahagi siya ng mga litrato ng mga bagong ganap niya sa buhay.
“Life lately. I’m so grateful with everything that is happening in my life right now. God, you are so good,” caption niya sa kanyang post.
Makikita sa unang litrato ang aktres na nakasuot ng itim na one piece. Ilan pa rito ang picture ng window seat mula sa eroplano, isang mirror selfie, at groufie kasama ang kanyang mga supporters sa isang party.