Ang star guard ng National Basketball Association na si Ja Morant ay babalik na sa paglalaro sa kanyang koponang Memphis Grizzlies matapos ang kanyang 25-araw na suspensyon.
Nagwo-workout naman si Morant kasama ang kaniyang team ngunit hindi siya maaaring nasa arena tuwing may laban sila.
Nagpahayag ng saloobin si Morant sa
parusa na bunsod ng kanyang pagpapakita ng baril sa social media nitong Mayo.
Ang ban ay ikalawa na para kay Morant sa parehong kasalanan. Nitong Marso ay pinatawan rin siya ng walong larong ban dahil sa video na pinakikita siyang may hawak na baril sa isang night club sa Denver.
“Definitely tough. Horrible days,” bansag ni Morant sa kanyang ban. “But the support I had throughout this process, it definitely helped me a lot. It was pretty much all I could lean on.”
Sinabi rin ni Morant na may bago siyang pananaw sa buhay matapos ang kanyang therapy.
Hindi rin niya pinagsisihan ang kasalanan dahil ito ang nagbigay daan upang maging “better” siya, ayon sa Agence France-Presse.
“Dama kong may natutunan ako tungkol sa akin sa proseso,” aniya.
“Nagpapasalamat ako at naririto pa rin ako sa posisyon ko,” dagdag niya.
“The change will be my decision-making and how I go about my daily life of being an NBA player, a father, a role model, a brother, a son. Just focusing in on that — being the best Ja I can be,” pahayag ni Morant, ayon sa Agence France-Presse.
Super excited na ang 24 anyos na NBA Most Improved Player na makapaglaro at ay mangyayari ito sa Martes laban sa New Orleans.
Kailangang manalo ng Memphis na may 6 na panalo lamang sa 23 laban. Parehas sila ng kartada sa Portland at kailangang makaabot sa playoffs.