Marami ang natuwa sa sinabi ni Min Bernardo, mommy ni Kathryn Bernardo, na hindi lilipat ng network ang kanyang anak.
Marami kasi ang chikang lumabas na lilipat na ang aktres matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla. Ito ay para siguro maiwasan ang pagkikita ng dalawang mag-ex na ngayon.
“No. Hindi siya aalis ng Kapamilya network!”
‘Yan ang sabi ng madir ni Kathryn sa recent interview niya.
Siguro naman ay matitigil na ang chikang maraming nag-aagawan na management company para kunin si Kathryn.
Anyway, sa X (dating Twitter), mix ang reaction ng fans ni Kathryn.
“Wag mag decide hayaan mag decide si kath hindi pa sya nag renew Kung mag renew sya eh di masaya pag hindi hayaan sya sa decision nya.”
“Jusko! Di sya bagay sa GMA. Walang talent mga nandun.”
“HND NAMAN TLGA AALIS NG ABSCBN YAN PERO BAKA LUMIPAT NG AGENCY CGURO PERO HND AKO SURE KASI PABAYA SI SM EH MAS PABOR SA MGA FAV… MULA NUON HANGGANG NGAYON..lipat lang agency pero ABSCBN padin . So kelan ang contract signing nya sa ABS -CBN at sa Star Magic?”
“Yung isa nalang paalisin.. para mabawasan ng kati.”
***
Marami ang nakisimpatya kay Kim matapos lumabas ang balitang hiwalay na nga it okay Xian Lim.
Actually, two months na raw hiwalay ang It’s Showtime host kay Xian. Hindi naman klaro kung ano ang pinagsimulan ng kanilang breakup.
Obvious naman na hiwalay na ang couple matapos mapabalita na binura na ni Xian ang ilang YouTube videos niya kung saan kasama ang girlfriend niyang si Kim. Kahit mayroon naming tatlong video na hindi binura si Xian, mapapansin naman na wala doon ang kanyang girilfriend, este, ex-GF na si Kim.
Sa recent episode ng It’s Showtime, halatang galing sa matinding pag-iyak si Kim. Kahit na nakatawa, halatang mugtung-mugto ang mga mata nito kaya naman inalo ito ni Vice Ganda at sinabing, “Maganda ka, mabuti kang tao, maganda ang mukha mo, maganda ang puso mo, you deserve the best, you deserve love.”
Actually, napuruhan nang todo si Xian sa mga comments sa social media. Talagang siya ang inulan ng batikos matapos mabalita na siya ang nakipaghiwalay kayn Kim. Bumuhos din ng pakikiramay kay Kim dahil para sa fans ng dalaga, mas marami pa siyang makikitang higit pa kay Xian.
“You will find better man in God’s time Kimmy, a man na may maganda talagang plano sa future nyo. Malay mo baka afam din para sayo, tulad ng mga kaibigan mong si Angelica at Bella. Love u Kim, stay bongisngis (palangiti) kasi you inspired other people.”
“You deserve the best Kim .. one day ikaw na na Yong makita ko na ikakasal ka sa taong kaya Kang panindigan at kaya ka tlagang pakasalan… dami Kong nakita na ng Break na long term relationship Pero ngayon happy na sa kanilang buhay at my pamilya na Kya okay lang yan hind tlga sya Yong taong para sayo.”
“panay patawa c kim sa showtime pero deep in side broken cya… how strong woman you are ate kim.., you deserve better.. Soon your heart will heal pa hug.”
“Ma karma ka rin xian di ka mkakahanap kaman ng ipagpalit kay kim pero di mo mahahanap ang babaeng kasing tulad na di na lang maganda sobrang talented pa at may mabuting puso makarma karin xian.”
“Good for Kim. Not a fan, but no proper girl deserves to be in a relationship with a person who has no plans in committing to her. Hope she finds a good and right guy for her who wont waste her time.”
“Ibig sabihin lang yan idol kim,ayaw ni lord para sau si xian.at may tamang lalaki si lord na nilaan para sau.kaya hindi sya kawalan sa buhay mo.maganda ka at mabait marami pa sau magkagusto.”