Bukod sa KPop idols, isa pa sa bumuo ng gabi ng netizens ang presensiya ni Melai Cantiveros na siyang kasama sa mga dumalo sa ginanap na Asia Artist Awards sa Philippine Arena, Bulacan nitong Huwebes.
Naglipana sa social media ang mga screenshot at video ng aktres kung saan walang kiyeme itong sumasagot sa panayam ni South Korean singer Jang Won-young.
Nang tanungin kasi si Melai kung ano ang nararamdaman niya sa pagdalo ng event, sinabi nito na: “Attending to AAA is a very honor, I feel like I am the first honor, a Valedictorian in attending the AAA… and it’s so the best, prestigious award, I cannot believe this is happening.”
Nang tanungin din siya kung sino ang inaasahan niyang makilala sa naturang event, sey niya: ”I am so very idol Kim Seon-ho…and then NewJeans because my daughter love NewJeans.”
Ang AAA isa sa pinakamalaking entertainment awards show sa Asya na inorganisa ng South Korea. Dito, nasungkit din ng komedyante ang Best Actor award para sa action-comedy film na “Ma’am Chief” na ishinoot sa South Korea.
Kasama ni Melai na nanalo sa nasabing category ang South Korean movie stars na sina Kim Sejeong, Ahn Hyo Seop, Lee Dong Hwi, at Lee Jun Hyuk.
Nang tanggapin ang parangal, ipinangalandakan niya sa sa stage ang kanyang ‘kanal’ humor na siyang bentang-benta sa audience.
“If someone questions why I have award, don’t worry. I question too. I just receive an award all my life from my mother and father when they are angry to me. Tonight, my heart is kuwan. I think it’s because God moves in mysterious ways,” sambit niya.
“I cannot believe what food they eat… why they chose me. Thank you AAA, I cannot believe this is happening. I’m very sorry to the Koreans, I’m so overwhelmed. Thank you Lord, to my family, we will serve the Lord,” pagtatapos niya sa speech.