Pinausok na naman ng aktres na si Sarah Lahbati ang social media matapos biruin ng isang netizen sa kanyang latest social media post sa IG kung saan ipinakita ni Sarah ang pag-promote niya ang ilang produkto ng luxury brand na Gucci, katulad ng bag, scarf, pabago at sunglasses.
“Rreat yourself this holiday season @gucci [smiling face with hearts emoji],” saad ni Sarah sa caption.
Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens at karamihan sa kanila ay nagbiro patungkol sa pagwawaldas ng pera ni Sarah.
“Waldas pa more [laughing emoji],” sabi ng isang IG user na ni-replyan naman mismo ni Sarah na kung saan ay tinag niya ang nagkomento with laughing emoji.
Kung maaalala, naging kontrobersyal ang naging patama ng mother-in-law ng aktres na si Annabelle Rama na kung saan nagbitiw ito ng pahayag patungkol sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na trabaho nang trabaho, habang ang isa raw ay malakas gumastos.
“Mahirap sa kanya (kay Richard) kasi unang-una, trabaho siya nang trabaho. Wala siyang ibang ginawa kundi magtrabaho. Pagdating niya sa Manila, hindi niya alam bakit nagkaroon ng gulo… Mag-antay na lang kayo kasi malalaman n’yo rin. Not now,” lahad ng ina ng aktor.