Sa ABSCBN Christmas special na ginanap sa Araneta Coliseum, palakpakan na may kasamang sigawan, at shookt in a great way ang lahat sa special dance performance ng nag-iisang Kathryn Bernardo!
Maalindog ang Kapamilya queen. Maharot ang galawan, Naka-brassiere top at may punitin niyo ang palda kong saplot. At yes oh yes, ang pag-giling-giling ni Bernardo, pamatay! Senswal ang pag-ikot ng bewang at balakang. Pati na rin ang tinatawag na hair-reography niya, ang pagwasiwas nito, na kabogera ang kulay kahel na kulay.
Impressed ang lahat sa kanyang all woman at vavavoom na bersyon. Ipinapakita talaga ni queen Kath na living at my devastatingly beautiful is my best revenge! Clap! Clap! Clap! Bigyan na agad ng next movie project iyan!
Isa pang panalong ehemplo ng pagkilos ng ayon sa kanyang ganda eh si Kim Chiu, huh! Sa nasabing ispesyal na Pamaskong pagtatanghal, grabehan ang tilihan kay Kimberly Sue at sa kanyang knight in shining armor, si Paulo Avelino.
Ang akala ng mga nasa Araneta, solo song number si Kimmy pero biglang bumulaga si Avelino. Resulta, tilihan at sigawan na dumagundong sa Big Dome.
Sa Ekis social media nga, ang papuri sa dalawam grabedad! Mas maigting ang audience ng KimPau kung ikukumpara sa Gen Z love teams na may kaniya-kaniyang paandar.
Juice colored! Rebound love nga bang matatawang ay kay miss Chiu at master Paul? O silang dalawa talaga ang nakatada na pagsulahan ang isang pagmamahalang walang kapantay? Ano ang inyong mga pakiwari, my dear Chika-Diva readers?
Ang panalong-panalo rito, nakakatuwang masasaksihan kung paano dinadala nina Kim, at siempre pa ni Kathryn, na may dignidad, grace, poise and like a true lady, ang kanilang paghihiwalay. Moving on has never been this attractive, hindi ba naman?
Mahusay umarte at maganda ang rehistro sa big screen nitong si Ysabel Ortega, isa sa mga cast ng “Firefly”, pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon sa direksyon ni Zig Dulay at panulat ni Angeli Atienza.
Si Ortega, sa simula ay mambubudol ay makakasama ni TonTon, ang katauhan na binigyang buhay ni Euwenn Mikaell, ang Gen Z child wonder, sa paghahanap sa Isla ng mga Alitaptap.
The face that refreshes ang datingan nitong si Ysabel kaya hindi na kataka-taka na sa kasulukuyan, eh exclusively dating na sila ni Miguel Tanfelix, huh! Magiging big female star for sure ang Sparkle artist na ito.
Ang “Firefly” na mula GMA Pictures at GMA Public Affairs ay isa napaka-ganda at ispesyak na pelikula na isang humahaplos sa pusong pagpupugay sa dakilang pag-ibig ng nanay sa kanyang anak, kamusmusan, kabusilakan at kapangyarihan ng pag-ibig.
Sakdal husay itong si Euwann bilang batang TonTon at ang kanyang binatang bersyonm na binigyang buhay ni Dingdong Dantes na “special appearance” ang opisyal na pagpapakilala, eh pang leading man at best actor ang ibinigay niyang katotohanan at puso.
Tiyak na marami rin ang magiging mausisia kay Ysabel dahil tunay siyang may panghalina at ang camera, mahal na mahal ang kanyang refreshing face.