Inihayag ng mga lokal na opisyal na nakauwi na sa Pilipinas ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Lebanese Militant Group na Hezbollah at Israeli Defense Forces at dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ulan ng flight mula sa Doha, Qatar.
Ang mga OFW ay sinalubong ni Department of Migrant Workers Assistant Secretary Felecitas Bay at kasama rin sa mga sumalubong ay mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority, Overseas Workers Welfare Administration at Department of Social Welfare and Development.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Migrant Workers na aabot na sa 82 na ang mga OFW ang napauwi ng kanilang ahensya sa Pilipinas.
28 na mga Pilipino rito ay naninirahan sa Lebanon ang umuwi upang makaiwas sa gulo.
Ang bilang na ito ay bahagi lamang ng mga 300 na pilipino na una nang nagpahayag ng pagnanais na bumalik sa Pilipinas dahil na rin sa nangyayaring kaguluhan sa nasabing bansa.