Iniulat ng Presidential Anti Organized Crime Commission na lantaran pa rin umano umano ang bentahan ng mga pre-registered SIMs sa social media sa kabila ng mga batas na nagbabawal sa paggawa nito.
Ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, marami pa rin silang nakikitang nagbebenta nito partikular sa Marketplace ng Facebook sa halagang P150 pataas.
May posibilidad din umano na mga totoong impormasyon ng mga Pilipino ang nailalagay sa mga pre-registered SIM na ito kasunod na rin ng insidente ng hacking sa ilang websites ng gobyerno.
“Yan ang isang tinitingnan natin kasi yan ang delikado. We have parang a series of hacking na nangyari. Pag nakuha ang details sa PhilHealth that completes the SIM card registration,” saad ni Cruz.
Mungkahi niya, itaas ang parusa sa mga nagbebenta at bumibili ng pre-registered SIM, kasama ang pagkakakulong.
Sa mga POGO hub na nare-raid nila, marami umanong pre-registered SIM rin ang kanilang nakukumpiska.