Kinasuhan ang isang lalaki sa Australya kahapon dahil sa pagpapadala ng 17 milyong scam text o sa bawat isang kababayan niya na nasa legal na edad.
Hindi pinangalanan ng pulis ng New South Wales ang 39 anyos na lalaki na mag-isang nangungunsumi ng mga gumagamit ng mobile phone sa Australya.
Ang mga text ng salarin ay may mga pekeng links sa Australia Post o toll road operator. Kapag pinindot ito ng may-ari ng phone, madadala sila sa isang website
Nagagawa niya ang pagpapadala ng mensahe sa milyon-milyong tao gamit ang tinatawag na SIM box, isang makina na nakakapag-padala ng libu-libong SMS nang sabay-sabay.
Kayang saksakan ng hanggang 250 aktibong SIM card ang SIM box at nakakapag-send ito ng hanggang 150,000 mensahe bawat araw.
Ayon kay Jason Smith, kumander ng Cybercrime Squad ng pulis, SMS phishing ang tawag sa modus ng suspek.
Ito ay isang karaniwang taktika upang manakaw ang impormasyon sa bangko at personal na impormasyon.