Nakumpirma na raw na talagang hiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim, ayon umano sa source ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz lalo’t kumalat nitong nakaraan na binura ng Kapuso actor at director ang lahat ng video at vlogs nila ni Kim na naka-upload sa kanyang YouTube channel.
Ang feeling ng mga netizens lalo na ng ilang KimXi fans, isa na itong sign ng pagmu-move on ni Xian mula sa umano’y breakup nila ni Kim.
Sa latest episode naman ng “Ogie Diaz Showbiz Update” channel, napag-usapan nga nina Papa O ang tungkol sa pagkawasak ng relasyon nina Kim at Xian.
“A friend of mine and a friend of Xian and Kim Chiu told me na totoong hiwalay na si Kim Chiu at si Xian Lim. Di lang maamin ni Kim Chiu kasi nga pinoproseso pa ni Kim Chiu, at si Xian Lim din, hindi mo rin siya maasahan syempre na magkomento or magbigay ng kanyang statement tungkol dito,” saad ng talent manager.
“Ang pagkakaalam ng friend ko ay nauna ang KathNiel bago sila. Pero siyempre, kino-quote ko lang naman yung friend ko. Sabi sa akin ng friend ko wala naman daw third party. It’s just that parang walang mga plano si Xian sa kanilang 12 years na relationship. Parang hindi niya priority. Parang naghihintay lang si Kim Chiu ng proposal. 12 years na sila eh,” dagdag pa niya.
Kung matatandaan, ilang linggo nang napapabalita na hiwalay na sina Kim at Xian matapos ang 11 years nilang relasyon na nagsimula pa noong October nang mapansin ng netizens na nagbakasyon nang solo si Kim sa ibang bansa.