Aminado ang aktres na si Beauty Gonzales na wala sa kanya kung tagurian man siyang horror queen dahil nakailang horror films na rin ang nagawa niya tulad ng “Feng Shui 2”, “Abandoned” at “Hellcome Home”.
Kasama rin kasi si Beauty sa “Kampon” as leading lady ni Derek Ramsay na dapat at si Kris Aquino pero nagkaroon ng COVID-19 pandemic kaya hindi natuloy ang tinaguriang Queen of All Media apat na taon na ang nakararaan.
“I don’t mind. I really don’t mind. I take it as a challenge ‘coz she’s known to be a horror queen, so to be a second choice, I take it as a challenge na sana, I can do better than her and I can bring my best into this project,” sabi ni Beauty.
Nagpasalamat rin si Beauty sa Quantum producer na si Atty. Joji Alonso dahil siya ang napiling gumanap bilang asawa ng kaibigan niyang si Derek Ramsay na nailang siya sa love scene dahil nga asawa ito ng best friend forever niyang si Ellen Adarna.
“I’m very lucky to be chosen by Quantum Films, they have really highly entertained movies, sobrang ang dami nilang napapanalunan na mga awards in Metro Manila Film Festival and to be working with Derek Ramsay who’ve won a lot of Best Actor awards is like ‘okay, I’m game!’” saad ni Beauty.
Dagdag pa nang malamang may love scene sila ni Derek, “hala, asawa pala siya ng best friend ko, pero sige, I’ll take the challenge. So, I’m happy to be here.”
Samantala, umamin si Beauty na nakaramdam siya ng awkwardness sa love scene nila ni Derek pero labis ding pinasalamatan ng aktres ang aktor dahil sobrang gentleman kaya’t palaging take one ang mga eksena nila.