Ikinasal na nitong December 12 si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj at sa kanyang IG, ipinakita niya ang ang isang “save the date” video.
“Today is the day that the Lord has made [red heart emoji]” saad niya sa caption.
Nangyari umano ang kasalan sa Christ’s Commission Fellowship Center sa Pasig City at ayon sa mga balita ay abay ang kanyang close friend na si Shamcey Supsup-Lee, ang Miss Universe Philippines National Director.
Sorpresa niyang ipinakita ang masasayang litrato ng kanilang pre-nuptial photoshoot na kinunan sa isang beach sa Zambales.
Nakwento rin niya sa isang Instagram post na walong taon siyang naging single bago pa niya nahanap ang kanyang “the one” at “Mr. Right.”
“For 8 years, God allowed me to be single. Since I have fully surrendered my life to Jesus, I have never entered into a romantic relationship. I asked Him to protect my heart and to keep it until the right man comes,” sabi niya sa IG post.
At speaking of her partner, nilinaw ni Venus sa kanyang Instagram Story kamakailan lang na hindi ang photographer na si Nelwin Uy ang kanyang soon-to-be husband.
“Media friends, kindly get your facts right. Mr. Nelwin Uy is our photographer, NOT MY BOYFRIEND!” wika niya.