Nanawagan ang Philippine Red Cross sa lahat ng mamamayan na magtulungan upang mapabuti ang kaligtasan sa kalsada sa Pilipinas.
Ayon kay PRC Secretary-General Gwen Pang, ang pangangailangan ng aksyon mula sa mga makataong organisasyon, pamahalaan, at ahensya ay mahalaga upang matiyak ang mas ligtas na mga kalsada.
Dagdag niya, mahalaga din ang aktibong papel ng PRC sa pagbuo at pagpapatupad ng Philippine Road Safety Action Plan na isang roadmap para sa kaligtasan sa kalsada sa bansa.
Kabilang umano sa pangako ng PRC ang adbokasiya para sa pinahusay na imprastraktura sa kalsada, pagtatrabaho ng mga tauhan ng Emergency Medical Services at pagsasanay ng mga nagbibigay ng First Aid at Basic Life Support.