Inanunsyo ng Department of Transportation na hindi na nito babaguhin ang deadline para sa Jeepney Consolidation deadline ng December 31.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang nasabing consolidation ay malaking tulong para maging maayos ang operasyon ng transport sector sa bansa at iginiit niya na walang magaganap na pag-phase out ng mga traditional jeep basta ang mga ito ay sumunod sa itinakdang standard ng gobyerno.
Kung matatandaan, inireklamo ng ilang transport group ang modernization program ng gobyerno dahil sa masyado umanong mataas ang presyo nito kumpara sa mga tradisyonal na pampasaherong jeepney.
Sa ibang balita, nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga negosyante na dapat ay tanggapin pa rin nila ang mga nakatuping P1,000 polymer bills.
Sa inilabas na advisory ng BSP na walang katotohanan na hindi na maaring magamit ang P1,000 na polymer bills kapag ito ay natupi na.
Ayon kay Nenette Malabrigo, ang Bank Office V ng Currency Policy and Integrity Department ng BSP, na ang hindi pagtanggap ng nasabing pera ay may kaparusahan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong.