Ipinahayag ng airline na Air New Zealand na magkakaroon ito ng de-bateryang eruplano sa 2026.
Layunin ng ANZ na maging kauna-unahang airline na magpapalipad ng de-bateryang eruplano, ayon kay ANZ Chief Sustainability Officer Kiri Hannifin.
Sa layuning ito, kumuha ang ANZ ng order na eruplanong ALIA mula sa kumpanyang Amerikano na Beta Technologies na gumagawa ng mga produktong pang-aerospace.
Ang eruplanong ALIA ay kayang ma-recharge sa isang oras at aandar ito na parang eruplano.
Sa isang test ng nasabing eruplanong 12 metro ang haba at may bigat ng tatlong tonelada, lumipad ito ng 480 kilometro sa bilis na 270 kilometro kada oras at sa taas na 3,000 metro.
Plano ng ANZ na gamitin muna ang de-bateryang eruplano sa paghahatid ng mga pakete o sulat sa loob ng New Zealand kasama ang New Zealand Post.
Ang ruta ay 150 kilometro.
Sinabi ni ANZ Chief executive Greg Foran na bahagi ng planong de-bateryang eruplano ang mapababa nila ang emisyon ng kumpanya.