Hindi naging maganda ang resulta ng pagsagot ng nanay ni Andrea Brillantes sa isang basher na nagtanong kung paano niya pinalaki ang aktres.
“Paano? Napagtapos niya sa school ang mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, ano’ng ambag mo sa mundo?” resbak ng madir ni Andrea sa basher.
Pero mas maraming naimbiyerna sa sagot ng madir ni Andrea. Kasi naman, parang pinasan ni Andrea ang mga dapat ay responsibilidad niya bilang ina. Ayun, nalait siya nang husto sa comment section ng isang popular website.
“Ayieee, proud si mother na hindi nya ginampanan yung responsibilidad nya bilang magulang at pinasa sa batang anak.”
“Proud na proud na anak nya yung tumayong nanay ng pamilya.”
“Hahaha loud and proud pa kamo. Paligoy ligoy pa. Isa lang naman un tanong nung nag comment. Pano pinalaki un anak niya? Imbes na sabihin pinalaki ko ng tama, may respeto at may mabuting asal ang anak ko eh nagbanggit na ng mga accomplishments kuno ng anak na dapat eh ginampanan nilang mga MAGULANG.”
“Kahit sisirin pa niya lahat ng oceans sa mundo, she cannot discount the fact na ang anak niya ang bumuhay sa kanilang buong pamilya. Therefore, (impliedly) narelinquish na ang kanilang parental authority. Even as a child, Andrea can decide on her own. Wala ng say ang mga magulang niya sa kanya. Paano mo nga naman kasi papagalitan o pagsasabihan ang batang binubuhay ka lang and the rest of the family.”
“Well truth be told, si Andrea ang nagpalaki sa sarili niya at ng buong pamilya niya. Kaya nga di makasagot ung nanay niya eh. So Belle, maliban sa magscuba diving anong ambag MO sa pamilya mo.”
Bago magtapos ang 2023 ay may dalawang major achievements ang It’s Showtime host na si Anne Curtis.
Kamakailan lang, in-announce niya sa kanyang Instagram account na umabot na sa 20 million ang kanyang followers.
Isa itong major achievement. Ibig sabihin, isa si Anne sa mostly-followed celebrity sa social media. It means talagang sikat na sikat siya.
“20 million of you here my dearest IG fam! What a way to end this LA tour. Big kisses to all of you!! And a big Thank you @davidkomalondon for this Mother of Pearl look. Dying! Sending love and light to everyone. Happy Sunday indeed. #20MilliANNE,” caption ni Anne sa kanyang IG post.
Ang isa pang major achievement ng It’s Showtime host ay ang pagkakaroon niya ng wax figure sa Madame Tussaud’s museum sa Hong Kong.
“I cannot believe this is happening. So thrilled to share that I will be joining @madametussaudshongkong. Just in case hindi kayo makauwi sa birthday ko. Ito na. Kidding. Hahaha! Stay tuned! Another dream ANNE-locked!” say ni Anne sa kanyang Ig page.
Ide-display ang wax figure ni Anne sa Glamour Zone ng pamosong museum kasama ang ilang famous celebrities.
Si Anne ang ikaapat na Pinoy celebrity na magkakaroon ng wax figure sa famous museum. Nauna na sa kanya si Manny Pacquiao at ang dalawang Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
Ayaw paawat ng Can’t Buy Me Love star na si Donny Pangilinan.
Talagang binigla niya ang kanyang mga fans nang mag-drop siya ng kanyang latest single na Biglaan a few midnights ago. Yes, medaling-araw nag-drop si Donny ng kanyang latest single.
Dalawang taon na noong last na nag-record si Dony ng kanta kaya naman isang big welcome ito para sa kanyang fans at para na rin sa DonBelle fans nila ni Belle Mariano.
is finally releasing new original music after over two years!
Ang Giglaan ay tungkol sa isang guy na hindi sinasadyang na-in love sa isang girl. This was produced by Shadiel Chan at dahil sa kanyang pag-drop ay naging trending topic sa X (dating Twitter) ang hashtag na #BiglaanOUTNOW.
Incidentally, bilang pasasalamat ng Can’t Buy Me Love dahil sa mataas nitong rating ay magkakaroon sila ng Christmas Pasasalamat Party sa Saturday, December 9, sa Market Market kung saan aapir sina Donny at Belle at iba pang cast ng show para maghatid ng saya.