Ang itinuturong mastermind umano nang nangyaring nakawan sa isang pawnshop sa Cebu ang napabalitang pumasa umano sa 2023 Bar examinations.
Ayon sa mga ulat, bagama’t nakadetine sa police station, umaasa ang suspek na si Jigger Geverola na makakadalo sa oath-taking and roll-signing sa Disyembre 22.
Nagtapos si Geverola ng kaniyang law studies sa Southwestern University sa Cebu City.
Inaresto si Geverola ng Cebu City Police Office dahil sa pagiging mastermind umano sa Oro Sugbu Pawnshop and Jewelry Store sa Barangay Kalubihan sa Cebu City noong November 25.
Nang makapanayam sa police station, sinabi ni Geverola sa mga mamamahayag na magkahalo ang kaniyang nararamdaman at umaasa siyang makadalo sa oath-taking.
Kapag naging abogado, handa umano niyang tulungan ang mga nakadetine sa Cebu City Police Office na “pro bono” o libre.