Isang bata ang nagpapagaling ngayon sa ospital matapos itong salpukin ng isang rumaragasang sasakyan habang tumatawid sa sa pedestrian lane sa tapat lang ng kanilang paaralan sa San Juan, Ilocos Sur.
Base sa kuha ng CCTV camera sa bahagi ng Barangay Bulag, makikita ang pagtawid ng ilang mag-aaral mula sa kanilang paaralan at ang isang estudyante, tumakbo pagsapit sa gitna ng pedestrian lane nang biglang dumating ang isang kotse na mabilis ang takbo.
Nasalpok ng kotse ang biktima na nagtamo ng mga bali at sugat sa katawan.
Ayon sa ulat, patuloy na nanatili sa ospital ang bata habang nangako umano ang driver ng kotse na tutulong sa gastusin ng biktima.
Samantala, nasawi ang isang ama habang sugatan ang kaniyang anak nang salpukin ng isang kotse ang sinasakyang nilang “garong” (isang uri ng tricycle ) sa San Juan, Ilocos Sur.
Nasawi si Samson Guzman, habang nakaligtas pero sugatan ang 16-anyos niyang anak na si Sam.
Sa CCTV footage sa national highway, nakita ang pagdaan ng garong na sinasakyan ng mag-ama at nasa likuran nila ang kotse na nakabangga sa kanila.