Inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año nitong Miyerkules na ang mga kahilingan ng komunistang rebeldeng grupo ay premature pa umano ilang sandali matapos magkasundo ang gobyerno at ang National Democratic Front na ipagpatuloy ang peace negotiations.
Ayon sa opisyal, kabilang umano sa mga kahilingan ng mga rebelde ay ang pagpapalaya sa mga consultant ng kapayapaan ng NDFP, na nagpapahintulot sa kanila na makilahok sa mga talakayan at negosasyon.
Pinababawi rin ang “terrorist tag” ng NDFP, ni Luis Jalandoni, CPP, NPA, at iba pang tauhan ng NDFP at ipinapa-dismantle rin ang National Task Force-ELCAC sanhi ng pagpapawalang-bisa sa Anti-Terror Law, utusan ang AFP na bawiin ang mga armadong sundalo na nagsasagawa ng “localized peace negotiations” at “community support.”
“Lahat ng mga kahilingang ito mula sa [Communist Party of the Philippines-New People’s Army] (CPP-NPA) ay premature,” sabi ni Año.
Para kay Año, ang pagtanggal sa pagtatalaga ng terorista ay sumasailalim sa proseso sa ilalim ng Anti-Terrorism Act at dapat ay resulta ng paglagda sa pinal na kasunduan sa kapayapaan.
Ipinunto rin niya na walang rekomendasyon para sa tigil-putukan, na nangangahulugan na patuloy ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa NPA at iba pang armadong rebelde.
Magpapatuloy din ang NTF-ELCAC, kung saan nagsisilbing co-vice chairperson si Año, sa kabila ng patuloy na usapang pangkapayapaan.
Gayunpaman, sinabi rin ni Año na “magsusumikap ang NTF ELCAC para sa pagsasara ng armadong pakikibaka ng komunista, na iniisip na ang mga rebelde ay mga Pilipino pa rin na may karapatan sa amnestiya”.
Samantala, inihayag ni Malaya na magkakaroon ng rebranding ang NTF-ELCAC dahil natapos na nito ang mga regular presser nitong “TAGGED” noong Miyerkules.
Sinabi ng mga opisyal ng NTF-ELCAC na si Vice President Sara Duterte, na isa ring co-vice chair ng task force, ay mananatiling kaalyado nila sa kabila ng kanyang naiibang paninindigan sa usapang pangkapayapaan.