Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Egypt na ligtas na nakatawid ang 8 pang Pilipino kasama ang 1 Palestino sa Rafah border mula sa Gaza patungong Egypt.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago na nakatawid ang mga ito sa Rafah border noong Sabado at tumagal ng 10 oras ang biyahe bago tuluyang marating ang Cairo, Egypt noong Disyembre 3.
Pinangunahan ni Vice Consul Crystal Ann Dunuan na nakaistasyon sa Rafah border sa panig ng Egypt ang pagtulong sa bagong batch ng Filipino repatriates at nakatakdang umuwi sa bansa.
Sa datos noong Linggo, tanging nasa 18 Pilipino na lamang mula sa 137 ang natitira sa Gaza ayon sa PH envoy.
Nasa kabuuang 119 naman ang nakatawid sa Egypt simula ng sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 7.