Nasa apat na umano ang naitalang persons of interest sa pagsabog na naganap sa Mindanao State University sa Marawi City, ayon sa Philippine National Police nitong Martes.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na dalawang naunang POI ang nadagdagan sa hindi bababa sa apat, na may dalawang bagong POI na posibleng mga lookout bago ang pag-atake ng bomba.
“Now we are looking for at least four persons. Maliban po dito sa POIs natin, may dalawa pa tayong tinitignan na indibidwal na posibleng nag-serve as lookout po dito sa nangyaring pagpapasabog,” sabi ni Fajardo.
Dagdag niya, nakakuha na umano ng CCTV footage ang mga otoridad na makikita sa labas ng MSU at kasalukuyan na itong nire-review upang ma-backtrack ang mga nangyari bago ang malagim na pagsabog.