Sa kalaboso ang isang kawani ng National Bureau of Investigation sa Tondo, Maynila matapos barilin ang kapitbahay niyang umano’y matagal nang ‘bully’ sa kanya at nasapul naman sa CCTV ang nangyaring alitan ng dalawa.
Makikita sa video na may apat na lalaking nagkumpulan sa isang kalye sa Tondo, nang biglang magsuntukan ang dalawa sa kanila na silang magkapit-bahay pala.
Bumunot ng baril ang isa sa kanila at nang mag-agawan sa baril ay nabaril ang biktima na ideneklarang dead on arrival sa ospital.
Ayon sa mga otoridad, service firearm ng suspek ang ginamit niya sa krimen.
Giit ng suspek, matagal na siyang binu-bully ng biktima.
Wala pang pahayag ang NBI tungkol dito.