Patay ang isang bagong-upong kapitana sa Ilocos Norte matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng elf truck.
Kinilala ang biktima na si Helen Abrigado, punong barangay ng munisipalidad ng Ferdinand Marcos, Ilocos Norte.
Ayon sa mga ulat, galing sa lantern parade ang biktima at pauwi na sakay ng elf truck ng barangay nang sabayan sila ng mga salarin sa daan ng Barangay Tabucbuc.
Tinabihan umano ng suspek na magka-angkas ang biktima sa passenger side at doon na pinagbabaril ang opisyal.
Sinubukan pa umanong habulin ng kasama ng biktima ang mga suspek na nakatakip ang mukha ngunit nakatakas ang mga ito.
Sambit ni Antonio Mariano, alklade ng Marcos, walang nabanggit sa kanya ang biktima tungkol sa pagkakaroon ng banta sa kanyang buhay.
Nag-alok naman ng P300,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Marcos sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek. Patuloy pa ang imbestigasyon sa kirmen.