Nagpahayag ng kalungkutan si Pope Francis matapos mawala ang ceasefire sa pagitan ng Israel at teroristang grupong Hamas bagama’t hinihikayat pa rin niya na magpatupad na ng permanented ceasefire sa pagitan ng dalawa.
Sa kaniyang mensahe mula sa kaniyang private residence na ipinalabas sa giant screens sa mga nasa St. Peter Square, sinabi nito na marami ng paghihirap ang nararanasan sa Gaza at marapat na magkaroon na ng tigil putukan.
Kasama rin na ipinagdasal ng Santo Papa ang mga biktima ng pagsabog sa Marawi nitong Linggo.
Dagdag pa ng Santo Papa na nalulungkot ito sa pangyayari at ipinarating niya ang kaniyang pakikiramay sa mga biktima ng nasabing pagsabog.
Samantala, pinalawig pa ng Israel Defense Forces ang kanilang ground operations sa buong Gaza Strip at ang hakbang ay upang tuluyang makubkob ang pinagtataguan ng mga Hamas militants.
Sinabi pa ni IDF spokesperson Daniel Hagari na naglunsad sila ng mga air strikes sa terror headquarters, pagawaan ng mga armas, tunnels at rocket launching sites ng mga Hamas.
Mahigpit umano ang kautusan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na lusubin ang mga lugar ng Hamas na naging banta sa kanila.