Isusumite na umano ng Philippine Economic Zone Authority ngayong linggo ang listahan ng mga information technology ecozones para sa konsiderasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PEZA director-general Tereso Panga, ang listahang kanilang isusumite ay inaasahang magbibigay-daan para sa pagtatayo ng mga bagong IT centers at expansion ng mga IT investors mula sa Metro Manila.
Dagdag niya, ito ay magsisilbing oportunidad para sa iba pang Local Government Units dito sa Metro Manila na magsilbing host sa mga IT investment at pakinabangan ang pag-unlad ng infromation technology.
Sa ngayon kasi ay hawak ng limang pangunahing central business districts – Makati, Taguig, Ortigas, Quezon City at Alabang, ang pinakamalaking pamumuhunan sa IT.
Ayon kay Panga, ang isusumiteng listahan ay mula sa ibat ibang bahagi ng NCR.
Inaasahan aniyang magbibigay ito ng karagdagang opotunidad para sa trabaho, ekonomiya, IT-related activities, atbp ang naturang mga ecozones, oras na aprubahan ng Pangulo.