Ibang level talaga ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Imagine, naging topic sila sa homily ni Rev. Father Joseph Fidel Roura na nabasa namin sa isang IG post.
“Nagsimula ng may respeto, matatapos ng may respeto.” ganun sana bakit? Sira na eh! wag mo na wasakin.
“In fairness kila #KathNiel lalong lalong na kay kathryn nakita niyo walang mga panget na salita walang paninisi ni walang patama para phrasing yung sabi niya “Nagsimula ng may respeto, matatapos ng may respeto.” ganun sana bakit? Sira na eh! wag mo na wasakin. Basag na eh! wag muna durugin para may maisalba ka, kahit papaano kasi sayang din ‘yung 11 years,” say ni Father Roura.
“Kaya sana sa ginagawa ni kathryn marealize ni daniel mas loyal si kathryn kaysa sa aso niya kasi ang aso niya wala namang damdamin yun eh!wala naman isipan yun eh! pero ang tao may damdamin at isipang nasasaktan. Kaya kapag pinapatawad ka pa rin hindi ibig sabihin hindi siya nasaktan. Kapag pinapatawad ka pa rin ang sinasabi dun ay mas mahalaga ka mas matimbang ‘yung pagmamahal say’o kaysa sakit na binigay mo ganun ang mag ingat na relasyon. Kung gagawa ng ikakasira ng iyong relasyon at kung masira man isalba mo kung ano pwdeng isalba ganun. To million trillion times super level times ang panginoon sa atin,” dagdag pa niya.
“Sa kabila ng lahat nang ito, Hindi na natin ulit makikita ang ganitong tagpo,” say pa ng pari.
Sabi pa ni Father Roura, “IBANG USAPAN NA KAPAG ANG BABAE ANG SUMUKO TALAGA KASI BAGO SUMUKO YAN MARAMI NG BESES NA NAKIPAGLABAN.”
“Masyado naman kayong galit kay Daniel Kasi naman father kayo talaga ang mga problema namin kayong mga lalaki? Ah ganun nadamay pa ako.”
“Hanggang ngayon hindi natin alam ang hiwalayan nina Kathryn at Daniel. So hindi natin alam ang dahilan ha, pero sigurado ko mabigat ang dahilan kasi hindi naman kakalas ‘yung mga ‘yan, 11 years pa naman ‘di ba ang sabi ni Kathryn. ‘Yung nakikita niyo ‘yun talaga yun minahal ko talaga siya hmmm, sus sigurado ako mabigat ang dahilan lalo’t pa kung titignan mo ‘yung pahayag ni Daniel parang pwde pa naman eh, parang gusto pa ni Daniel eh. Parang ‘yung mga sinabi niya nu’ng minsan interbiyuhin siya ni tito Boy Abunda kasi ang tanong ni Boy Abunda sa kanya, “kapag napagod ka iiwan mo ba siya?” Ang sabi ni Daniel, “ilang beses na po ako napagod, pero hindi ko siya iniwan ganu’n sana kaya lang hindi ganun eh! So ibig bang sabihin parang si Kathryn pa ang bumitaw, ‘wag naman,” say pa ng pari.
“Kung siya man siguradong matindi ang dahilan sapagkat ang babae lalong lalo na yung mabuting asawa, mabuting girlfriend, mabuting nanay. Hindi basta basta bibigay yan kung walang matinding dahilan lahat kayang tiisin. Matiisin ang mga babae na ganyan kayat kung bumitaw na ibig sabihin matindi talaga kaya nga may kasabihan ibang usapan na kapag ang babae ang sumuko talaga kasi bago sumuko yan marami ng beses na nakipaglaban yan kaya lagi kong nauulit ngayon di ba matindi talaga ang dahilan nakakamatay na yung dahilan,” dagdag pa ni Father Roura.
Tila pinaglaruan ni Vice Ganda si Awra Briguela nang mag-guest ito sa It’s Showtime recently.
Nagsayaw kasi si Awra sa isang hiphop production number. Ito namang si Vhong Navarro, tila naintriga sa dance number ni Awra.
“Kuya, paano kayo nakapag-adjust sa pag-choreo kay Awra? Hindi kasi ito ma-hiphop, eh,” tanong ni Vhong sa choregrapher.
Sumabat si Vice Ganda at sinabing, “Nagkita-kita sila sa selda, tapos doon sila nagturuan. Kaya paglabas niya, sabi niya isasayaw ko agad dito ‘yan.
Siyempre pa, wala nang nasabi si Awra sa kanyang manager na si Vice Ganda.
Incidentally, nagwagi bilang kauna-unahang grand winner ng It’s Showdown ang Fresno Style PH matapos nilang binida ang kanilang puso, teamwork, at angking galing sa larangan ng pagsayaw sa pinakamalaking dance off ng bansa na It’s Showdown: The Grand Hatawan.
Unang round pa lang ay nagpasiklab na ang grupo kasama si Zeus Collins sa Dancing with the Star kaya naman nanguna sila sa standings. Tuluyan nilang tinapos ang kompetisyon sa Huling Hataw at nakakuha ng pinakamataas na total average score na 7.8 mula sa combined scores ng dance royalties na sina world champion coach at World of Dance country director Vimi Rivera, Star Magic head choreographer Mickey Perz, OG Sexbomb member Jopay, New Gen Dance Princess AC Bonifacio, at dating XB Gensan member na si Jay Roncesvalles.
Mag-uuwi rin ang grupo ng P300,000 at trophy samantala, P100,000 naman ang nakuha ng United Alliance. Naunang namaalam sa kompetisyon League of Monsters Brotheass, AMK Rock Nation, at Mi Familia Homies.