Nitong nakaraan ay may kumalat na pahayag umano ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na pinaniniwalaang patungkol sa dati niyang glam team.
Sa kanyang vlog kasi ng kanyang New York Fashion Week journey, makikita ang highlights ng pagrampa niya sa sosyalerang event.
Ibinahagi niya ang ilang lugar na pinuntahan niya roon para sa fittings pati na ang mga bonggang dress at shoes na nabili niya sa New York at ang mga binisita niyang mga restaurant.
Nag-share rin si Heart sa kanyang fans ng naging usapan nila ng dati niyang talent manager na si Arnold Sebastian Mendoza, na naninirahan na ngayon sa Amerika.
At isa nga sa napag-usapan nila ay ang isyu about trust at pagkasira ng isang samahan at friendship pero wala silang binabanggit na pangalan sa kanilang chikahan.
Pero base sa naging takbo ng usapan, naniniwala ang mga nakapanood sa vlog ni Heart na ang tinutukoy nila ang dating make-up artist ng Kapuso actress na si Justin Soriano, at ang dati niyang hairstylist na si Jeck Aguilar.
“You cannot trust anybody. Only yourself and just a chosen few, especially when they want more.”
Um-agree naman sa kanya si Arnold, “You can’t be everybody’s cup of tea. Kahit na ano pang gawin mo, magta-tumbling ka, meron pa rin ang ayaw sa iyo.
“Ano lang, simple na, kung kanino ka nagsimula, kung paano ka nagkaroon ng pangalan, bigyan mo naman ng ano… di ba?” aniya pa.
“If they want to do other clients, wala namang problema. Tell me naman because ako, bawal, kayo puwede? Bawal akong mag-react?” sabi ni Heart Na muling sinang-ayunan ni Arnold sabay sabing, “Bastos talaga.”
“Dear, ito na nga yung pinakagrabe sa lahat. Sinabi niya sa akin na kailangan daw ng tatay ng kidney,” dagdag pa ng aktres.