Inihayag ng French Embassy nitong Lunes na isang Filipino-German ang sinaksak at napatay malapit sa Eiffel Tower sa central Paris.
“Having learned of the victim’s dual nationality, France sends its condolences to his family and loved ones, to the Filipino people and to the German people,” saad ng embahada sa pahayag.
Ayon kay French Ambassador Marie Fontanel, ang biktima ay isang turista.
“On behalf of the French government, I wish to address my deepest condolences to his family and relatives and to the Filipino and German people,” sabi ni Fontanel sa hiwalay na pahayag.
Samantala, dalawa pa ang nasugatan sa naturang insidente na isang French at British nationals at ayon sa mga pahayag, naaresto na ng mga pulis ang suspek na isang French citizen.
Batay sa impormasyon ng French authorities, dati nang nakulong ng apat na taon ang suspek noong 2016.
Idinagdag pa ng mayroong “serious psychiatric disorders” ang suspek, ayon sa mga otoridad.