Isa na ang aktres na si Anne Curtis sa mga Pinoy celebrity na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong at makakahilera na ng TV host-actress ang mga kilalang personalidad all over the universe na nabigyan ng wax figure sa sikat na sikat na Madame Tussauds museum.
Sa official social media ng Madame Tussauds, makikita ang mga litrato ni Anne habang sinusukatan at kinukunan ng detalye ang kanyang itsura at katawan.
Ayon sa isang ulat, ang pagkokopyahan ng image at damit ni Anne ay mula sa kanyang “iconic fashion moment.”
Sa kanyang IG, ibinahagi rin ni Anne ang mga naturang litrato.
“I’d like to share that I am honored, thrilled and excited. This is amazing. I can’t believe that I’m gonna have my very own wax figure. “Hindi ako makapaniwala ‘yun ‘yung totoo. Is this really happening? Sobra lang akong natuwa excited, kilig and honestly until now hindi pa din ako makapaniwala na this is happening. I’m just so excited and thankful,” saad ng aktres.
Ang soon-to-be-launched wax figure ng Kapamilya star ay idi-display sa Glamour Zone ng naturang museum kasama ang iba pang kilalang Hollywood celebrities. Siya ang first Filipina na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds “Hong Kong Glamour Zone”.
Ka-level niya rito sina Hollywood Nicole Kidman, Robert Pattinson, Angelina Jolie, Brad Pitt, at Chris Hemsworth.
Si Anne ang ikaapat na Pinoy na Filipino na nabigyan ng wax statue sa nasabing museum kasama sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Miss Universe queens Pia Wurtzbach and Catriona Gray.