Nasungkit kahapon ng Far Eastern University ang titulo sa kompetisyon sa cheerdancing ng Universities Athletics Association of the Philippines Season 86 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ginamit na tema ng FEU cheering squad ang sikat na video game na Super Mario para sa kanilang koryograpiya.
Tinalo ng koponang Tamaraw ang National University Pep Squad sa finals samantalang pumangatlong pwesto ang University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe sa taunang patimpalak.
Umiskor ang FEU ng 702.7 puntos mula sa mga hurado samantalang nakakuha ng 697 puntos ang NU at 684 puntos naman ang UST, ayon sa mga ulat.
Ayon sa coach ng FEU na si Randell San Gregorio, nagtagumpay sila sa layuning bigyan ng hustisya ang kanilang napiling tema ngayong taon.
UAAP Season 84 ang huling pagiging kampeon ng