Inihayag ng Department of Health nitong Biyernes na binabantayan na nito ang isang pathogen na tinatawag na mycoplasma pneumoniae kasunod ng pagtaas ng kaso ng pneumonia sa bansa.
Sinabi ni DoH Undersecretary Eric Tayag na ang nasabing pathogen ay kabilang sa sinusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at dagdag niya, ang mga doktor ay hindi karaniwang nakakakita ng ganitong uri ng bacteria na kanilang tinetest.
SInabi niya na agad nilang irerekomenda sa mga pasyente na uminom ng antibiotics.
Nilinaw rin ni Tayag na ang ganitong uri ng bacteria ay drug resistant na nangangahulugan aniya na ang mga antibiotics ay hindi gaanong epektibo kaya marami ang naoospital partikular na sa mga kabataan.
Dagdag pa niya, nakakahawa ang ganitong uri ng bacteria kahit wala pang sintomas.
Una na rito, pinayuhan ng DoH, ang publiko na magsuot ng mask o manatili na lamang sa bahay kung mayroon silang sintomas tulad ng lagnat, ubo at sipon.