Inihayag ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa na nanakawan siya ng mamahaling cellphone sa isang exclusive store sa Alabang at sa kanyang FB ay ikinuwento niya ang nangyari habang nasa loob ng mamahaling grocery store.
“Araaay first time ko manakawan ng phone sa loob pa ng Superstore, happy birthday to me. May nag papicture lang, diko din namalayan when exactly nawala. I tried find my iphone ang sketchy nung place sa bulacan tas yun na di na malocate,” saad ng dalaga.
May isang netizen ang nagsabi ng, “Jusko mare. Di ko akalaing may magnanakaw ng phone sa loob nyan. Inutusan ni Nawat yan. Hahahahaha. Charot.”
Ang tinutukoy ng FB follower ni MJ ay si Nawat Itsaragrisil, ang Thai media personality na presidente ngayon ng Miss Grand International Organization.
Sagot naman ni MJ sa naturang netizen, “Lahat kasalanan niya mare? kaloka kaaaa.”
Matatandaang tinuldukan ni Nawat ang pagkakaibigan nila ni MJ nang makarating umano sa kanya ang lumang vlog interview kay MJ ni Maki Gingoyon na isang transgender beauty queen.
Tanong ni Maki kay MJ, “What’s the worst pageant in the Philippines?” “Miss Grand International” ang sagot ni MJ sabay tawanan kaya naman nagngitngit sa galit si Nawat.