Aminado ang beauty queen na ni Michelle Dee na naghihintay na siya ngayon ng sign kung sasali ba uli siya sa mga beaucons matapos ang kanyang mapait na karanasan sa Miss Universe 2023 journey niya.
Ayon sa dalaga, maghihintay daw muna siya ng mga signs from the universe kung lalaban uli siya sa anumang beauty contest pero sa ngayon, pagtutuunan muna niya uli ng pansin ang kanyang pag-aartista.
Sa katunayan, masayang ibinalita ng dalaga na makakasama siya sa extended season ng Kapuso series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Bukod dito, may iba pang acting projects na niluluto ang Kapuso Network para sa kanya. May gagawin din siyang proyekto sa ibang bansa very, very soon.
Samantala, todo-todo ang pasasalamat ni Michelle sa sambayanang Filipino na talaga namang sumuporta sa kanya nang bonggang-bongga mula simula hanggang ending.
“Sobrang nakakataba po talaga ng puso na mainit ang pagtanggap sa akin dito sa Pilipinas kahit hindi ko po naiuwi ang korona. I’m just so blessed to have all of your overwhelming support and of course to my GMA Sparkle Artist Management, thank you so much. My whole campaign wouldn’t have been this strong if I didn’t have the biggest network behind me and championing me as well,” sabi ni Michelle.
“GMA took me in when I was just known as the daughter of Melanie Marquez and when I didn’t have any experience in the industry. It’s because of GMA that I really grew to be this artistic person,” she recalled. “I chose to be an actress first before a beauty queen because I recognized that I still didn’t have the confidence to be in front of a large congregation or in front of the camera. GMA really helped me mold that personality and truly they are the best,” dagdag niya.