Aminado ang aktres na si Barbie Forteza na bagama’t natutuwa siya sa atensyong nakukuha niya sa ngayon patungkol sa kanyang showbiz career ay hindi niya mapigilan pa rin minsan ma-hurt dahil may mga pagkakataon na tila sumosobra na raw ang iba.
“‘Nung una na-overwhelm ako to the point na kailangan ko puntahan ‘yung kapatid ko sa Chicago kasi para sakin masyado naging overwhelming parang nakakalunod masyado,” sabi ni Barbie.
“I really like the attention and the recognition, but kasi syempre kasabay ‘nun parang lahat naging critic. Parang kahit hindi na sa pag arte eh, ‘yung personal mong buhay, parang tinuturuan ka nila paano mabuhay,” dagdag niya.
Inamin din ni Barbie na ibang klaseng maging sikat sa panahong ito dahil pati raw ang kanyang personal na buhay, lalo na pagdating sa kanyang lovelife ay pinapakielamanan na.
“‘Nung high times ko dati hindi naman ganitong level. Masaya. Hindi ganito na nanghihimasok sa personal kong buhay. Ibang level na kasi ngayon eh lalo na with social media. Parang lahat, they all have the power to say what they want,” saad ng dalaga.
Binigyang-diin ng young star kung gaano kalungkot ang kanyang nararamdaman dahil mas pinagtutuunan ng pansin ang kanyang personal life kaysa sa mga nagiging achievements niya bilang artista.