Sobrang na-bash si Andrea Brillantes lalo pa’t umamin na si Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.
Bugbog-sarado si Andrea sa mga bashers na siyempre pa ay fans ng couple. Talagang kung anu-ano ang ibinabato sa kanyang masasakit na salita sa social media, mga salitang mapanuri at mapanglait. Sa chika kasi ng siang vlogger, palihim daw na nagkikita sina Daniel at Andrea.
Nang i-post ni Andrea ang short video ng interview niya kay Luis Manzano sa kanyang Instagram account, kinuyog ang bida ng Senior High, kaliwa’t kanang lait ang inabot niya.
“Kawawa magiging bf nito… after break up sisirain nya din ng husto. Mga lalake kung gusto nyo ng tahimik na buhay… huwag nyo jojowain toh.”
“Yung d pa nka abot 20 edad nia pero ilang lalaki na dumaan sa knya.. tas nanira pa ng relasyon ng iba… Tawag jan sa kanya attetion seeker. Tas kung mapuruhan ng basher nia.. magpaawa effect at mgpa feeling victim.”
“Sa kda interview sayu puro lalaki lamn nang bibig mo.”
Magaral ka muna so that you can gain some class and decency.
“Need ipa counseling tong batang ito, baka ilang relationship pa ang masira niya!!!”
Pero meron namang nagtanggol sa dalaga.
“Nakakalungkot kasi dami babae dito ba kala mo ay nasubaybayan lahat ng mga nangyayari sa buhay ng kapwa, kung husgahan yung tao. Wala nga proof na may sinira syang relasyon e. Para nadin kayong mga bully sa ginagawa niyo kay Andrea. Hndi ko sya pinagtatanggol , nakakaawa lang yung tao na di nmn talaga napapatunayan na nanira tapos kung maka comment kayo ng masama sa kapwa grabe.”
“Madalas sa inaatake, yun yung madalas mabait at hindi totoong masama. Never ako naging fan ng kahit sino, pero blythe kung alam mo kung sino ka at kung wla kang ginagawang masama. Taas noo ka sa mga bashers mo. Pray to God.”
“Until now, si Blythe pa rin ang tinuturong dahilan ng mga tao sa social media. Kawawa naman kung hindi totoo.”
“hinay hinay sa pag-bash, tandaan nyo ang epekto ng mga salita nyo sa mental health ng isang batang 20 years old.”
“MGA FAN NI ANDREA SAGUTIN NYO MUNA BAGO NYO IPAGTANGGOL YAN. BAKIT NAG UNFOLLOW MGA ARTISTANG NAKAFOLLOW SKANYA HA???? PAKI EXPLAIN! DI YUNG “ANO PAKE MO?”
“my prayers goes to Andrea. Sana malagpasan nya itong pagsubok na ito.”
“Healing for Daniel, Kathryn, Andrea and to all the fans.”
Pero may nakapagsabi sa amin na hindi si Blythe ang dahilan ng hiwalayan nina Kath at Daniel kundi isang non-showbiz girl. Collateral damage lang daw ang dalaga.
Naniniwala ang maraming fans nina Kim Chiu at Xian Lim na hiwalay na nga ang magdyowa.
Sa latest post ng It’s Showtime host, nag-react ang KimXi fans and they believe na break na ang couple of more than 12 years.
“Wild spirit, soft heart, sweet soul.”
‘Yan ang caption ni Kim sa kanyang video sa Instagram kung saan ipinakitang nangangabayo siya.
Ang tingin ng marami, talagang break na sina Kim at Xian.
“Tingin ko matagal na silang hiwalay in terms of spirit; I can sense it from how Xian is in her vlogs. Triggered si Kimmy doon sa sinabi ni Kaila na kung “hindi ka na valued or respected”, it’s time to move away from the relationship. Nangyari na nga. 12 years is too long in any language. Ride on Kimmy into the wild blue yonder.”
“12years and no proposal so wlang plano. So why wait? Go ahead kim you deserve someone better.”
“I used to like xian for kim but the way he’s answering questions about him & kim seems like lumalabas na true colors niya. It’s at times like this that true characters emerged! Observed ninyo ba?!”
Meron namang humohopia na malalagpasan nila ang pagsubok sa kanilang relasyon.
“Love you @chinitaprincess always kayo ni Xian wag kayo bibitaw ..kapit lng mis ko na ko together magkasama..love na love ko kayo ni Xian,” say ng isang faney.