Iniulat ng Department of Migrant Workers nitong Biyernes na nakabalik na ang nasa 36 na mga overseas Filipino workers mula sa Israel – ang pang-sampung batch ng mga repatriates mula ng sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at teroristang grupong Hamas.
Ayon sa DMW, sa kabuuang bilang ng mga nakauwi ay 32 sa mga ito ay caregivers habang ang apat ay nagtatrabaho sa mga hotels.
Mayroon ng kabuuang 335 ang bilang ng mga Pinoy mula sa Israel ang nakauwi mula ng ipatupad ang repatriation.
Sinabi naman ni DMW Undersecretary Bernard Olalia, na mayroon pang 50 Pinoy ang nais pang umuwi.
Pagtitiyak nito na ang mga OFW na umuuwi ay nakakatanggap ng mga tulong mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
Sinabi naman ni Olalia na inaayos na ng labor attache ang lahat ng proseso para mapauwi pa ang mga Pilipino na naiipit sa kaguluhan sa Gaza sa pagitan ng Hamas at Israel.