Kulong sa loob ng sampung araw ang isang lalaking Ruso matapos niyang isulat ang salitang “No to war” sa turnstile na nababalot ng nyebe sa Moscow.
Inaresto si Dmitry Fedorov, 24 anyos, nitong Huwebes sa Gorky Park dahil sa paglabag sa batas na nagbabawal sa sinuman na tumuligsa sa hukbo o magpakita ng di-pagsang-ayon sa ginagawa nitong pakikipaglaban sa Ukraine, ayon sa ulat ng Agence France Presse
Nang makita ang kanyang sinulat, inanyayahan ng kapulisan si Fedorov na humarap sa Department of the Ministry of Internal Affairs.
Nang siya’s tumanggi, binalaan siya ng mga pulis na lalabag na siya sa batas kung muling tatanggi.
Inamin naman ni Fedorov ang pagsulat niya ng naturang pahayag, ngunit iginiiit na hindi niya tinanggihan ang ginawang pag-aresto.
Dahil sa nangyari, hinatulan ng 10 araw na pagkakakulong ang lalaki. Bukod dito, nagmulta din siya.
Sa hiwalay na ulat, nito lang din Nobyembre nang makulong ang artistang Ruso na si Aleksandra Skochilenko dahil sa kanyang “supermarket protest.”