Pinaglaway ni Jessy Mendiola ang netizens sa kanyang isang Instagram post nitong Huwebes.
Ibinida kasi ng aktres ang kanyang bikini body, halos mag-iisang taon pa lang ang nakalipas matapos niyang ipanganak si baby Peanut.
Makikita sa post ang kanyang mirror selfie, habang nakasuot ng bulaklaking two piece at makikita rin ang tila pagkakaroon niya ng abs.
Napa-comment naman ang kanyang mister na si Luiz Manzano ng “Uhm…”
Maging si Carla Abellana ay hindi napigilan ang sarili at ang at napa-iwan ng “Grabe” sa comment section.
Marami namang netizen ang napa-wow dahil para umanong hindi nanganak ang 30 anyos na celebrity mom.
“Wow parang hindi CS saan po nakatago ang tahi? Apaka sexy namern,”sey ng isa.
“Sexy na ulit na ol wlang stretch marks.”
“maryosep nanganak ba ito?”
“Wow parang di na nganak. dalaga lang.”
“Looking great mama!”
“Mommy na ba talaga to?”
Enero nitong taon nang isilang ni Jessy si Isabelle Rose Tawile na siyang unang anak nila ni Luis.
Sa kasalukuyan ay may mahigit 31k likes na ang post.