Aminado si Miss Universe 2018 Catriona Gray na talagang excited na siya sa nalalapit na kasal nila ng kanyang nobyong aktor na si Sam Milby at ayon din sa aktor, magiging “intimate” ang kasal nila ni Catriona.
Noong Oktubre, nauna nang sinabi ni Catriona sa isang panayam na “very strong” siya sa kanyang “vision” para sa magiging wedding niya, pero siyempre hindi pa rin daw niya isinasantabi ang mga gustong input ng kanyang groom-to-be.
“I have a lot of allowance for Sam because it’s both of our special day [since] it includes a lot of special people [in our lives],” sabi ni Catriona.
Noong Mayo, ibinunyag ni Catriona na sa darating na taong 2024 magaganap ang pag-iisang dibdib nila ni Sam.
Ayon naman sa aktor, hands-on si Catriona sa preparasyon, pero hindi raw katulad sa kanyang fiancee na talaga namang mabusisi.
“She’s much more of a planner than I am,” sabi ni Sam. “I’m very excited. We have a great team helping us prepare. We are getting things ready. We are very excited.”
Nabanggit din ng Kapamilya aktor na super ready na siyang magkaroon ng mga anak at bumuo ng sariling pamilya, pero kailangan pa rin daw nilang i-enjoy ang isa’t-isa bilang mag-asawa.
“Ako, I am ready. I’m turning 40 next year,” sabi ni Sam. “We’re both excited to start a family, but it’s enjoying the marriage first.”
Kung mtatandaan, taong 2020 nang kinumpirma ng dalawa sa social media ang tunay nilang relasyon.