Inamin ng aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa na masaya ngayon ang kanyang lovelife dahil in a relationship na umano siya sa isang non-showbiz guy na foreigner.
“Yeah, I am dating someone non-showbiz. I’m so happy, I’m so happy. Honestly, I want to keep it private this time, so it’s a private relationship and it’s so much more peaceful. It’s really, really peaceful,” sabi ni Kylie.
Nang matanong si Kylie kung ready na siyang ipakilala ito sa publiko, sinabi ng dalaga na hindi niya alam kung gagawin niya ito.
“Siguro ano, when I would want to show it. But right now, I’m so happy,” sabi ni Kylie.
Matatandaang ang huling nakarelasyon ng actress-beauty queen ay ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca.
Tumagal ang relasyon ng dalawa ng tatlong taon ngunit nagtapos ito noong April 2022.
Inamin nga noon ni Kylie sa kanyang panayam kay Vice Ganda na mapapanood sa YouTube channel nito na inakala niyang si Jake na ang kanyang makakatuluyan at makakasama sa habangbuhay.
“Akala ko siya na. Alam mo yung ganun? Hindi masyado. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak, akala ko siya na, pero… tsaka nagmahalan kami, we loved each other. Sobrang happy kami sa relationship, and sobrang grateful ako sa relationship. Hindi ako in shock, pina-process ko pa talaga lahat, process siya,” sabi ni Kylie.
Tila parehas naman nang naka-move on ang dalawa dahil lately ay nauugnay naman si Jake sa Kapamilya actress na si Chie Filomeno.
Samantala, may ilang netizens na nag-iisip kung ang kasama ba ni Kylie sa nagdaang Opulence Ball ang kanyang bagong boyfriend.