May hugot ang aktres at singer na si Julie Anne San Jose nang makapanayam siya ng King of Talk na si Boy Abunda kamakailan.
Natanong kasi ang dalaga kung ano ang isang bagay na kailangan niya upang maka-survive sa mundo, at ang unang naisip ni Julie Anne ay ang kanyang boses.
“Marami. Pero first thing, ‘yung boses ko,” sagot ni Julie Anne.
Nang matanong kung kaya niya bang mabuhay nang walang lalaki, sinabi ni Julie Anne na depende pa rin.
“Ang hirap. Depende siguro sa phase ng life ko ngayon, because I’m really, really happy right now,” sabi ni Julie Anne.
Kasunod niyan ay nag-follow up pa si Tito Boy kung ano ang pinaka importanteng aral na natutunan niya pagdating sa love.
“Siguro ipapayo ko sa kanya. Ano na lang. Mas sigurado pa sa mga gagawin, kumbaga kung na-test mo na, konti pa. Mahalin mo nang lubusan ‘yung sarili mo para makapagmahal ka ng iba pa,” sabi ni Julie Anne.
Sa ngayon ay karelasyon ni Julie Anne ang actor-dancer na si Rayver Cruz.