Pinag-tripan ng netizens ang kili-kili ng It’s Showtime host na si Anne Curtis. Napaka-flawless naman kasi.
Ito ang unang napansin ng followers ni Anne sa kanyang post sa Instagram kung saan naka-two piece black bikini siya. May isang post kung saan itinaas ni Anne ang kanyang dalawang kamay kaya na-expose ang kanyang flawless na armpit.
“Beach, please. I need a tan and so does my kilikyler,” caption ni Anne sa kanyang IG post.
Sa comment section, bumuhos ang papuri kay Anne, lalo na sa kanyang kili-kili.
“bkit ung kilikili ko tan kahit hindi ngbibeach.”
“walang stretch marks… life is so unfair.”
“Grabe yung kili kiki makinis pa sa mukha ko.”
“Super sexy and ganda talaga.”
“Bat galit abs mo @annecurtissmith?”
“Girl you are on fire!”
Grabe ang In His Mother’s Eyes. Ilang ulit pinalakpakan ang ilang mga eksena nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos.
Sobrang naakakaiyak ang movie na ito. Actually, it was a balance of comedy and drama, na ipinakita ng tatlong bida.
Sa movie, kaaawaan ninyo ang tatlong bida dahil naging biktima sila ng sirkumstansiya. Ang maganda, nadala nila ang kanilang mga role, si Maricel bilang ina na nagbalik para sa kanyang anak na may autism, si Roderick bilang kakambal ni Maricel na nag-alaga sa kanyang iniwang anak at si LA bilang anak ni Maricel na isang special child.
Mahusay ang pagkakahimay ng kani-kanilang character at ang pagkakatahi ng kanilang mga kuwento kaya naman lumabas ang kanilang galing sa pag-arte.
Nagtagisan sina Roderick at Maricel sa ilang mga eksena kaya naman super palakpak ang audience. Si LA, may moment din na pinalakpakan. Around five scenes yata sa movie ang tumatak nang husto lalo na ‘yung dayalog ni Maricel na ‘Tao ang anak ko, tao.’ Clap kung clap ang mga audience nang sambitin niya iyon.
Ang In His Mother’s Eyes ang unang pelikula na pinanood naming this year at pinakamatino ito. Walang tapon sa major cast. ‘Yung character lang ni Ogie Diaz at ‘yung dalawang vlogger ay puwedeng mawala. Hindi naman sila kawalan sa movie.
Bitin para sa DonBelle fans ang mga eksena nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Can’t Buy Me Love.
Ito ang na-discover namin sa post ni Donny sa kanyang official Facebook account.
“Thank you for your continuous support for our series #CantBuyMeLove .Labyu po,” say ni Donny sa kanyang photo kung saan makikita ang isang malaking TV na kitang-kita ang mukha niya sa isang eksena sa Can’t Buy Me Love.
Sa comment section, mukhang nabitin ang mga fans ng DonBelle kaya naman ang request nila ay bilisan ang mga pagpapalabas ng kanilang mga eksena sa series nila sa Netflix.
“Palagi niyo kmi binibitin sa mga episode haaay Donny Pangilinan and Belle Mariano.”
“Oo naman Donbelle, we will support you through & through, your teleserye is my #1 on my list must watch, naiiba, nahihila ka talaga to watch each episodes, ako nga i tape it if ‘am @ work so i will not miss any episodes, ang ganda, i was able nga to convinced some of my American friends/ co- employees who have Netflix to watch” Can’t Buy Me Love” now i always see them google about Belle & Donny & they love it.”
“Pwd bang araw araw nlng kayo may upload nakakabitin eh.”
“maganda ung story, tz mggaling cla lhat mag acting.”
“Alam MO di kita bet dati. Ngayun fav ko na kayu NG love team MO hihi. Labyou donny cutecute.”
“Pwede bang pakidamihan na ang pag upload ng episode sa netflix Bingo? Nakakabitin eh!”
“33 years old na ako. Ndi ako masyado sa mga mejo bata-batang love teams not until #DONBELLE came️ grabe kayuuuu.”
Ang DonBelle ang isa sa pinakamalakas na love team ngayon.