Isang eruplanong Osprey ng pwersang panghimpapawid ng Estados Unidos ang bumagsak kahapon malapit sa isang isla ng Japan na ikinamatay ng isang crew nito, ayon sa coast guard.
Lima pang tauhan ng eruplanong lumilipad na parang helicopter ang nawawala.
Ang namatay na crew ay unang natagpuan ng mga rescuer na walang malay sa may isla ng Yakushima ngunit patay na nang madala sa ospital, pahayag ng coast guard.
Isang opisyal ng emergency management sa rehiyong Kagoshima kung saan bumagsak ang Osprey ang nagsabi na nakatanggap ang lokal na pulisya ng ulat na umaapoy ang kaliwang makina ng eruplano.
Nagpadala ng barkong pampatrolya ang coast guard sa paligid ng Yakushima na nasa timog ng isla ng Kyushu sa katimugang Japan.
Iniulat ng NHK na galing ang Osprey sa kampo ng mga Amerikano sa Iwakuni malapit sa Hiroshima at papunta sa kampo ng Kadena sa may Okinawa.
Ang nasabing Osprey ay pag-aari n US Yokota air base sa Tokyo.