Trending tipic ang “Xian” sa X Ekis (X) social media at ang dahilan, ang aria ni Vice Ganda sa “It’s Showtime”.
Sa isang segment ng matagumpay na pang-tanghaliang palatutunan, may kausap si Jose Marie na contestant at ang paksa nila ay kung paano ang wastong paraan sa pakikipag-hiwalayan pag ikaw ay nasa isang relasyon.
Pag-amin ng maricon na sa kasalukuyan ay may pangmalakasang relasyong mag-asawa kay Ion Perez, inamin nito sa talakayan sa ere na ang mga nakalipas niyang di na maaring balikan, palagiang sa text message ang pamamaraan ng hiwalayan. Pagkatapos nun, blocked na siya, at di na siya binibigyan ng pagkakataon na sila ay magkaharap o magkausap. Para sa pambansang beki, masakit ang ganoong pagkatapos ng relasyon.
Ang exciting part sa paksa, eh nung ibinida ni Ganda na sila ay may “staff” na may pinagdaraanan, Ang “staff” at “jowa” nito ay naghiwalay sa phone rin pero sinundo pa sa trabaho ito, para pag-usapan ng personal. Sa “Antipolo” nangyari ang paghaharap para tapusin at tuldukan ang kanilang pagmamahalan.
Tinanong ni Vhong Navarro kay Viceral, sino ba ang “staff” na iyan, at si Anne Curtis, hindi napigilan ang reaksyong mapatili dahil sa salaysay.
Dahil nga the best at biba ang mga follower ni Jose Marie, kuha na nila na ang ang misteryosong staff ay si Kim Chiu at ang kinatagpo nito ay si Xian Lim, na sabi nga nila ay taga-Antipolo.
Si Alexander Xian, karelasyon ni Kimberly Sue ng labindalawang taon, ang sure na sure na bida sa pagpapahiwatig ni box-office bayot. Hindi lang ito kutog ng mga the best at biba, siento porsiyento ang kanilang pananalig na ang pilit na ikinukubli at inililihim na hiwalayan eh talagang totoong-totoo na.
Ang mayorya ng KImXi fans, hindi nanalig sa sinasabing hiwalayan. Para sa kanila, sinisira ang KimXi dahil nga bago na namang proyekto si Chiu na kasama si Paulo Avelino na isang romantic comedy.
Para sa kanila, “rough patch” ito, na normal sa kahit na anong relasyon at pasasaan ba, mas mamayani ang kanilang pagmamahalan.
Meron na ring tanggap na ang hiwalayan, at masakit ito para sa dalawa, lalo na ngat mahigit isang dekada ang kanilang naging relasyon.
Ang tanong, dahil nga si Lim ang lalaki, siya ba ang dapat unang magpakatotoo at umamin na hiwalay na nga ang dekolor at puti nila ni Chiu?
Kung si Chiu, na itinanggi na dati ang”hiwalayan” at binago ang kanyang ipinanahayag na sila pa rin, ikabibigla pa ba natin, ikakalulungkot eh ang daming mga pangyayari sa buhay niya na dapat andun si Alexander sa tabi niya, wala ito sa kanyang tabi?
May nagsasabi rin na dapat bago isalang ang promosyon ng bagong KimPau proyekto, isambulat na ang hiwalayan para hindi maakasuhan ang proyekto na ginagamit si Lim para lalong mapag-usapan ito. Kung bago pa ipalabas ang palatanutunang ito eh opisyal na ang hiwalayan, clean slate na ang lahat at di na mauurirat pa.
Sa pagpapahiwatig ni Vice na ang pinatutungkulan ay tila si Xian nga, na sa court ng aktor-direktor ang isyu. Hinahamon siyang magpakatotoo, magpakalaki at do the most gentleman thing, na ibigay ang kalayaaan ni Kim Chiu.
Kaya, Xian Lim, bukas ang aming Chika Diva pitak at ang D’TT Show, para maibahagi mo ang iyong katotohanan.